Thursday, October 7, 2010

"NASAAN KANA KAIBIGAN"


Eto ay kwento ko para sa kaibigan kong matagal ko ng hinahanap, Nasaan ka na ba kaibigan ko.  Sana magkita tayong muli at magkasama kahit sandali. Para sayo ang kwentong ito.
1994

First time q mag aral. Hmm Ganado ako ng araw nay un, lumipas ang araw,lingo, buwan. Nakakasawa nman, palagi na lang aral ng aral halos kada araw na, may mga ilang pagkakataon nag cutting classes ako, lol bulakbol na ako simula kinder. Simula nuon hinahatid na ako ni papa sa school bago sya pumunta sa shop nila. One day isang araw Hinahatid nya kami sa bike nya, bago pa lang sya nakatalikod tumatakbo na ako pabalik sa house namin.

Mama: oh jeri bat k nandito,? me klase ka pa ah….

Jeri:  ah mama wala daw klase sabi ni maam Helen.

Dumating c papa may nakalimutan na gamit paras a shop na pinag tatrabahuan nya, nakita nya ako at nagulat sya. Ayun sapak ang nakuha ko. Pagka bukas di na ako nag-aaral ng kinder. Pero may dahilan naman talaga kung bakit ayaw ko pumasok sa skul, iyon ay dahil sa mga bullies dun, sina kirk at Denver. Nagsusulat ako nun ng kinuha ni Denver ang aking lapis at sinabing kay kirk daw yun, kinuha ko yun lapis pabalik pero agad niya akong sinikuhan, masakit d ako maka hinga wala ako magawa kundi umiyak na lang. Wala naman akong laban sa dalawang yun, dalawa sila isa lang ako, sila mga dambuhala ako ”PAYATOT”.

Nasabi ko rin sa inyong magbabasa ko na isa akong payatot, very slim po ako. Ako palagi ang nasa unahan ng linya ng klase sapagkat maliban sa pagiging payat pandak pa ako at over sa kaliitan.

After a year deretcho na ako sa grade 1,maraming bata at yung aking katabi saksakan ng yaman meron sila poultry sikat apelido nila sa lalawigan namin. Kelan ba matatapos ito , wala din ako kaibigan dun eh, gusto ko na talaga umuwi kaya lng takot ako umuwi mag isa, natapos ang klase naming ng mga 10am. Pumunta ako sa room ng ate ko c ate GRETCHEN, grade 4 sya nuon. Pinapasok naman ako ng teacher nila sa klase nila kaya ok lng, kaya lng nababagot ako wala naman ako maintindihan dun kaya lumabas ako at umupo sa isang bench sa ground ng school. May nakita akong naka upo din sa kabilang bench, yun yung classmate ko na katabi q, yung mayaman kaya lng parang bully din sya kaya di ko nilapitan.

Di ko namalayan lumapit ang classmate ko sakin at inalok nya ako ng candies at lollipop nya,  natakot ako ng mag salita sya akala ko kung sino, ayaw ko sana tanggapin candies at lollipop nya kaya lang mapilit sya kaya kinuha ko na lang. Nagpakilala sya sakin sya pala si raul yani, mabait naman pala sya at very mapagbigay kaya nga lang spoiled kaya pilyo sya kung minsan. Yun ang simula ng pagkakaibigan namin ni raul, pero tawag ko sa kanya ay yani, meron din syang ate na nagkataon namang classmate ng ate ko, kaya pala naka upo sya sa bench kasi nag hihintay din sya sa ate nya na umuwi. Kapag tapos na klase namin deretcho na agad kami papunta sa bench, minsan naglalaro ng holen, text, usap ng mga usapang bata talagang close na kami BEST OF FRIENDS na talaga.

Bago mag simula ang klase namin kinukolekta na n gaming guro ang pera naming para sa aming snack, nagbebenta kasi sya ng mga masustansyan pagkain hindi mga chichirya. Ok lng naman yun sa mga magulang naming kasi at keast sinisure ng teacher naming ang kalusugan namin. Baon ko before ay 2pesos lng kada araw, pinatatabi yun ni yani, sabi nya wag na lng daw kasi sya na daw mag babayad ng snack namin. Ganun sya ka generous sakin, hay naku habang sinusulat ko eto d ko mapigilan ang pagka miss ko sa kanya, matagal na kasi kaming hindi nagkikita. Itinatabi ko na lang ang pera ko kada araw, sa kanya ako natutu sa pagiging mapagbigay, kahit sa exams kapag wala kaming isasagot mangongopya sya para sa aming dalawa, minsan nga nabuking sya sa pangongopya ng spelling ng CARABAO, pinagalitan kami dalawa nun at talagang umiyak ako ganun talaga ako kapag napapagalitan umiiyak agad, bilib ako kay yani di sya umiyak tumatawa pa nga sya eh at pinagtanggol pa nya ako inako nya lahat kasalanan.

Marami kaming napagdaanan ni yani, tinuruan nya akong makipag away, na wag daw ako iiyak kaagad, na dapat makaganti muna ako sa kaaway bago iiyak. Kaya lang di ko magawa di ko talaga kaya eh. Kada araw nun naaalala ko pa na palagi naming sinusuri ang kulay ng brief ng isat isa sa amin, hahay wala lang trip lng naming yun, hahahaha. Napagkakamalan din kaming kambal dati, ewan ko ba parehas daw ang mukha namin iba lng daw yung mata nya kasi malago at pipilantik ang kanyang pilikmata. X-mas party sa araw na yun, may mga palaro at palagi kami ni yani ang magkapareha hahahhaha yung iba babae at lalaki kami lang ang naiiba, alam naman cguro ni yani na medyo bakla ako. Nagtatawanan kami ng may sinabi ang teacher namin. D ko narinig ang sinabi ni teacher kaya nag tanong ako k yani, sabi nya itaas ko daw ang kamay ko kaya tinaas ko, na sya namang itinawa ng mga parents na nandun sa party at tumawa din sya, mangiyak ngiyak na ako nun, kasi naman mga babae lng pala ang dapat magtaas ng kamay, talagang pilyo tong bestfriend ko. Ng malapit na tumulo ang  luha ko, nag KISS sya sakin at nag sabi ng MERRY X-MAS JERI. ………………..  tulala ang lola nyo.

Natapos na ang grade 1 ni hindi kami nag papicture man lang ni yani, wala din sya sa program ng closing sa school year nayun, hinahanap ko sya talagang wala…………………….sana sumama na lng ako sa kanya ng imbitahan nya ako pumunta sa farm nila at sa poultry, maraming sana……………………….

Nag grade 2 na ako, wow classmates ulit kami ni yani kaya lang parang may iba sa kanya, d na sya masayahin at pilyo para bang takot at ayaw makipag usap. Ng panahong yun may kapit-bahay akong kaklase cla ang kasama ko lagi. Kasi naman si yani palaging absent hindi na kami naglalaro gaya ng dati, miss ko na yung tawanan naming dalawa. Ewan kolang kung paano sya nakapasa nun. Grade 3 laro pa din ang nasa isip ko, syempre hinahanap ko pa din c yani, wala na nagtatanggol sa akin sa mga bullies sa school, wala na nag lilibre sakin. Last ko naaalala nakita ko si yani, flag ceremony nun second section sya grade 4 na kami. Sinuntok sya sa isa sa mga bullies ng school si MARCHO naawa ako sa kanya, pero hindi ko sa malapitan nahagip ako ng tingin nya at yumuko sya at umalis sa school, wala na sya pagkatapos nun, ewan nasaan na kaya sya. Hinahanap q at na mimiss ang mga sandalling magkasama kami ni yani, may mga kaibigan ako OO pero iba yung closeness naming dalawa.

Kung nasaan ka man ngayon YANi gusto ko sabihin na hinding hindi kita malilimutan, sa konting panahong nagkasama tayo, tumatak ka na sa puso ko. mahal kita kaibigan. Sana mahanap kita  RAUL D. YANE JR.

1 comment: