Monday, November 1, 2010

“Another Cinderella Story” Part 4


ANG BUHAY NI JERI JONES


By                    :           JERI.JONES
email               :           bubuygas@yahoo.com
Blogsite           :           jerijonesstories.blogspot.com
Other details   :           09264333053




BRYAN  [eglish] -      Marami kaming napag uusapan, sinabi ko sa kanya ang mga napag daanan ko, naawa daw sya sakin kasi grabe daw mga panlalait na nakukuha ko.

JACK  [american] -    mabait at palaging nagbibigay sakin ng advise at nangakong tutulong saking makabalik sa college.

KARL  [german] -      na pabalik balik na sa pinas at bibisita sakin 1 month after nung unang   chat namin.


Nagging ganap na din na guro ang aking ate, nangako sya na pag-aaralin ako at tutulong muna sa pamilya bago sya mag aasawa. Habang lumalaki ako mas nagiging close ako sa kanya, at sya ang aking tinitingala. Pero gusto ko pa ring makatulong sa pamilya at ayokong maging pabigat sa kanila, ayokong pagdating ng panahon ay sisingilin nila ako. Hindi ako pwede bumalik sa dating university na aking pinapasukan dati kasi hindi ako maka shift dahil sa mabababa ang aking mga grades.

Lumipat ako sa isang maliit na college sa iligan city. 5000 per sem, HRM [2yrs] ang aking kurso. Ayuko ng mag aral ng 4 na taon, gusto ko makatapos na ng pag aaral para magkaroon ng sariling trabaho at pera,. Dalawang taon na lang  ang bubunuin at matatapos na din ang aking paghihirap. After 1st sem napansin kung palaging balisa si ate, at nag aaway sila ni mama. Mag eenrol na ng 2nd sem ng malaman ko ang dahilan ng kanyang pagkaka balisa at away nila ni mama, yun pala ay buntis ang ate ko. Bilang isang guro pangunahing word sa kanila ang ‘’MORALIDAD’’,  nasaktan ako at parang tagilid na naman ang pag-aaral ko.  Wala akong mapag sabihan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kundi sa tatlong ka chatmate ko lang.



Ng malaman nilang tatlo na ganito ang sitwasyon ko naawa si BRYAN, pupunta daw sa pilipinas si KARL, at magpapadala si JACK. Kelangan ko bah ang awa ni bryan; si karl bakit pa sya pupuntah ditto kung gusto niyang tumulong; at si jack bakit sya magpapadala, wala pa naman kaming relasyon at kung minsan lang kami mag chat. Kung tutuusin sa lahat si jack ang nakakalamang sa kanilang tatlo, hindi ko inaasahan na tutuhanin niya ang pagpapadala kasi alam ko naman na maraming nangangako na magpapadala sa ym pero hindi. Pero laking gulat ko nang magpadala sya. Sa tulong ng perang yun nakapag paenroll ako sa 2nd sem. Walang nagawa ang mga magulang ko, gusto nila ako patigilin pero ayuko. Ito nalang ang pag-asang nakikita ko upang maging matagumpay na tao, at para paghigantihan lahat ng taong nanakit at nag alipustah sa akin. Talagang hulog ng langit sakin si jack.

Nang buwan ding iyon  dumating c karl, nag text sya sakin para mag meet kami at magkakakilala ng maigi. Syempre  Dumating ako, 1st time ko kaya  wala pang alam sa mga nangyayari at mangyayari pah at ako lang mag-isa. Nanginginig at natatakot ako, nag meet kami sa gaisano 3rd floor.  Ng pagdating nya agad niya akung niyakap, talagang shock ako at parang nahihiya na din kasi pinag titinginan kami ng mga tao dun. Kumain kami at pumuntah sa hotel niya. Pagdating na pagdating pa lang agad na niya akong siniil ng halik manyak sya sa madaling salita. Wala akong nagawa kundi magparaya na lang, ilang beses na din naman akong nakipagsex dati wala din namang magiging kaibahan sa gagawin namin ngayon. Pagkatapos naming mag sex binigyan niya ako ng pera, at babayaran daw niya ng 1,500 ang tution fee sa school ko. Kaya lang pinababalik niya ako sa hotel after 3 days.



Palagi kung nakaka usap si bryan sa chat lalo na kapag nag oover night ako. Kahit driver  lang sya, me edad at mataba sya ang gusto ko sa lahat. Mabait at marami kaming napag-uusapang mga bagay halos magkapareho kami ng gusto.  Hiningi niya ang address ko, at binigay ko naman.  Magpapadala daw sya ng sulat sakin para maiba naman daw. After 15 days  natanggap ko ang sulat niya. Hindi ko inaasahan na sa sulat na iyon may POUNDS na nakatupi. SWEET nya, hindi ko yun inaasahan. Tumatawa lang sya ng mag usap kami sa ym.

Nagpakasal ang ate ko sa BF niya, wala din namang magawa ang parents ko dun kasi kinakailangang makasal sya habang hindi pa malaki ang pinagbubuntis nya. Nagging ok na din sila ni mama. Inalok ako ni karl na mag live in kami, gagawa daw sya ng business. Internet cafĂ© or  restaurant at ako ang magiging partner niya sa negosyong yun, papautangin daw niya ako ng capital basta pumayag lang ako na maging kasosyo niya at para din maliit lang na tax ang babayaran if hindi sya ang full owner  sa business. Hinding hindi ako nag isip pa. HINDI ko tinaggap ang offer nya,  akala niya siguro katulad ako ng iba niyang ka chat na gahaman sa pera at manloloko. OO marami kaming ka chat niya, nagging POK-POK  niya ako for 4 months. Yun na  lang ang alam kong paraan para makatulong sa gastusin sa school. Kung tunay na lalaki lang ako mas masahol pa ditto ang gagawin ko para magkapera.  Kay jack ok lang ang lahat, si jack ay straight pero nag wowonder din daw sya kung ano ang feeling  ng makipagtalik sa same sex. Nakikita daw niya sakin kung gaano ako sa sincere at honest sa mga sinasabi ko kaya niya ako tinitulungan, ang totoo pa nga ay pinakikilala niya ako sa mga nephew at grandsons niya kasi gusto niya akong maging parte ng family nila. Si bryan naman maraming surprises, me offline din sya everyday kaya lang ilang ulit na niya akong pinaasa. Palagi siyang nangangako na pupunta ditto para Makita ako, hindi lang once, or twice kundo 4 times. Although  4 times na akong binigo ni bryan palagi pa rin akong umaasa na dadating din sya at magkikita din kami.

Natapos na ang 1st year. 1 year na lang ang iisipin ko para makatapos na din finally. Summer of 2009 dadating daw si bryan,  hindi na ako umasa ng ganun kasi apat na beses ito nangyari. One day tumawag siya GLOBE number ang nakatatak, OMG eto na ang hinihintay ko hindi na ito panaginip pah. Nagkita kami april 18, 2009, nagstay kami sa  PRYCE PLAZA HOTEL.


Sa unang pagkikita, pareho kaming hindi maka-imik hindi alam kung papano babasagin ang nakakabinging katahimikan. Tsaka lang kami nag usap ng manood ng movie sa HBO. Usap tungkol sa buhay niya at buhay ko. Nag ask siya if talaga bang siya ang gusto ko kahit isa lang syang driver sa England. Hindi daw sya mayaman. Sana daw pag-isipan ko ng mabuti kung sya talaga kasi sanay na din naman siyang masaktan at hindi piliin ng taong mahal niya. Dun ko nakita ang kaibahan nina bryan at karl. Si karl pinangalandakan niya kung gaano sya kayaman sa germany, accountant sya sa isang shipping lines at manyakis sya. Si bryan iba, honest sya sinabi niya sakin kung ano sya at kung ano lang ang kaya niyang ibigay at wala syang ginawa sakin, ni ayaw niya akong hawakan kasi natatakot siya na baka mabastos niya ako. Ako na lang mismo ang gumawa ng paraan para me mangyari sa amin. SECRET NA KUNG PAANO, hehehehe.

Pinamilihan niya ako ng mga gamit, damit, at kung anu ano pa para daw hindi ko na ulit maranasan ang mga pang aalipusta sakin ng mga classmate ko dati, ayaw daw niya makakita ng taong inalipusta. Pinuntahan din niya mga magulang ko para FORMAL na mag paalam sa kanyang panliligaw sa akin [haba ng hair koh;]. Dahil dun pinag usapan kami ng lahat, pero wala na akong pakialam hindi na din ako nasasaktan in fact I am very proud na may isang tao na tumanngap kung ano ako.

Umuwi sya after a month, umiyak talaga ako ng husto. Hindi ko mapigilan, para bang kung kelan ako nakakilala ng isang taong magmamahal sakin ng husto tsaka naman sya mawawala para bang walang happy ending ang buhay ko. Hindi ako maka get over sa kanyang pag uwi, umiyak ako mga almost two weeks, lalo na pag natutulog ako na mag-isa. Na mimiss ko ang yakap at haplos niya. Bawat halik at sensaysong dulot nito, namnam na namnam ko pah.

Palagi akong balisa at nagkasakit ako, masakit tiyan ko. Napag-utusan ako ni papa pero hindi ako kumilos kasi namimilipit ako sa sakit. ‘’ OH HAYAN NAG PAPANGGAP NA NAMAN PARA HINDI MAUTUSAN, NAGMAMALAKI NAH KESYO PINUNTAHAN DITO, GANUN BAH YUN.’’. sabi ni papa, hindi na lang ako umimik para matahimik nah, wala ako sa mood para sa ‘’war’’.

Ng maging ganap nah ang relasyon namin ni bryan  hindi ko nah kinakausap sina karl at jack, ni nindi ko pinaalam sa kanila na nakapili na akot Masaya na sa piling ni bryan.

Buwan buwan kong magpadala si bryan para sa tuition at gastusin ko sa school. Every weekends kami nag cha-chat.  Ok na ang lahat sa tingin ko, hinihintay na lamang ang pagbabalik niya. Pinakilala niya ako sa mother at sisters nya through webcam, pinaalam pa nila sa akin na welcome ako sa family nila. 

DECEMDER 2009

Habang nasa hotel ako para sa OJT tumawag si bryan at umiiyak, may sakit daw mother niya COLON CANCER at 2 months na lang ang tagal para mabuhay eto. Hindi ko siya madamayan sa panahong yun, alam ko kelangan niya ako sa tabi niya that time. Feb 5, 2009 namatay mother nya, ni hindi man lang ito nakahintay sa b-day ni bryan sa feb 11.
Malapit na ang Graduation ko. Hinintay ko pagbabalik niya, kasi para sa kanya naman ang natamo kung karangalan. Pero na delay flight niya, hindi sya nakapunta tumawag na lng sya.

May 2010



2nd visit na ni bryan, that time we get on so well. Hindi na kami nanginginig tulad ng dati, kasabikan na sa isat isa ang nararamdaman naming dalawa. Binigay nya sakin ang isang sing-sing para engagement ring daw. Pumuntah sya sa bahay para magpaalam sa parents ko na dadalhin na niya ako sa UK. Bumalik sya sa UK at inasikaso ang mga papers para makapuntah na ako dun. By first quarter next year ay pupunta na ako dun.

NOTE         :  SUSUNOD NA MGA PANGYAYARI AY PURO KATHANG ISIP NA LAMANG

Pagdating ko sa London kung todo ang picture picture kasi nalula ako sa taas at gaganda ng mga buildings. Sinundo ako ni bryan with his sisters FELICITY AND DIANNE.  Nagulat na lang ako nang isang limo ang 


aming sundo. Hindi ko na lang masyado pinansin siguro rent lang yun. Maganda ang pagtanggap sakin ng mga kapatid niya. Marami silang plano para sa akin para sa mga susunod na mga araw. Mga mahigit isang oras din ang byahe para makapuntah sa bahay ni bryan. Pagdating namin, nagulat ako kasi ang laki ng bahay niya isang mansion.

Wala siyang sinabi sakin, kinuha lang niya bag ko at hinatid sa magiging kwarto ko at iniwan akong mag-isa at nag-iisip kung bakit ang laki ng bahay niya, isang MANSION in fact para na nang palasyo sa laki. Maaaford ba ng isang  cargo driver ang ganito kalaking bahay at sa pagkaka-alam ko pang mayaman lang ang limousine. Naguguluhan talaga ako. Alam ko meron siyang hindi sinasabi at tinatago sakin.

Itutuloy,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,]
Sa muli pasensya na naman, hindi kasi malibog ang story ng buhay ko,,,,,,, thnx sa pag uunawa poh

Wednesday, October 27, 2010

“Another Cinderella Story” Part 3

ANG BUHAY NI JERI JONES


By                    :           JERI.JONES
email               :           bubuygas@yahoo.com
Blogsite           :           jerijonesstories.blogspot.com
Other details   :           09264333053



Sa mga taong nagsayang ng oras sa pagbabasa ng series kong ito SALAMAT poh sa inyo, salamat poh sa pagtatanggol sakin laban ke anonymous 1.
Anonymous 1 salamat sa yong criticism, I must admit challenging yung sinabi moh na pangit yung style ng pagsusulat ko. Gusto ko kasi na parang journal/diary ang style ng aking story, as u all know it’s a true story. Pero thank u pa din sayo. Salamat at binasa mo pa rin kahit di mo gusto. Kung tutuo mang nabasa mo ang kwento ko simula sa part 1 siguro meron ka ng idea kung anung uri ng pagkatao meron ako. SALAMAT


TANGGAP KO NA, NA AKO LANG MAG-ISA. KAKAMPI KO LANG AY ANG SARILI KO. HINDI NILA AKO MAHAL.  



Ok  na ok ang pag aaral q sa college kahit 3 years lang ang course na iyon ay ok lang, pinagbuti ko talaga ang pag aaral para maka shift ako kaagad ng cursong gusto ko. Malapit na matapos ang 1st  sem  kaya kinakabahan na ako. Sana matata-as grades ko para makakuha ng scholarship at mkapag shift na ng course sa 2nd sem. Dininig naman ng diyos ang panalangin ko  nagging free tution fee ako, ang babayaran ko na lang sa 2nd sem ay 350 pesos na lang pero di ako dapat mag shift kasi ang scholarship na yun ay intended lamang sa course namin. Napag isip isip kung wala din naming kwenta kung ipagpapatuloy ko ang course na electrical engineering technology kasi  di ko naman linya yun.  

Binalak ko na sana na mag shift kaya lang kelangan ng ate ko ng  malaki-laking halaga para sa OJT nya,  graduating na sya at running cum laude sa university, ayoko namang  maging hadlang sa karangalang iyon kaya nagparaya ako. Pinagpauloy ko na lang ang naunang kurso ko para sa kanya.  At timing namang  Inalok ako ng  tita ko [sa mother side] na mag working student sa kanila, hindi  ko na pinag isipan pah tinaggap ko na agad yung offer nya kasi ang trabao ko lang naman ay magluto, bantay sa tindahan nya pag walang pasok, hugas ng plato at mag bantay sa 3 years old na anak niya. Lahat ng atensyon ay naka ate nah, wala ng pinoproblema ang mama at papa ko para sa pag aaral ko, syempre nag paalam din ako ng maayos sa tito ko na una kung tinuluyan ng bago palang ako sa university at naunawaan naman nya na gusto ko lang tumulong sa mga magulang ko.

Kung alam lang nila ang buhay ko dun kina tita, 5 oras lang ang tulog ko kada araw dahil sa tambak tambak na trabaho. Kahit  me lagnat ako pinag tatrabaho pa din ako, ni hindi na ako makapag aral ng mabuti at puro bagsk na ako sa exams. Natapos ang 2nd sem , may konting salo-salo  sa pagigimg cum laude ni ate,. Ninais ko pa sanang magpatuloy sa pag-aaral kaya lang talagang hinang hina na ako sa trabaho dun sa tita ko, ayoko namang humingi ng tulong kina papa at mama para pag-aralin ako. Alam kong sermon lang ang aabutin ko pag pinaalam ko sa kanila na ayoko nang  mag working student, sinabi ko na lang na pagod na ako sa kaaaral kahit labag sa kalooban ko.

Ang ate ko nagtatrabaho sa SM pansamantala habang hinihintay pa ang resulta sa board exam,  ako balik sa bahay,  at bukid. Balik na naman ako sa pagiging maid/boy sa sarili naming bahay, ewan ko bah kung bakit ang init ng dugo ni papa sakin. Habang tumatagal lumalakas na ang loob kung lumaban sa kaniya, na para bang ayuko nang maapi at apihin pah. Nagagalit na ako sa sarili ko na palaging umiiyak at hindi lumalaban. Minsan  inuutusan niya ako ng hindi ko sinunod nag-away kami nun pero wala akong nagiging laban sa halip binato niya ako ng malaking bato. Ang sakit nun, pero hindi na ako humagulhol,  tumulo ang luha ko OO pero hindi na ako papa apekto pah. Yung tampo, inggit at pagnanais na mapansin nila ako ay napalitan na ng galit ant pagkamuhi. Hinding hindi na ako iiyak para sa pagmamahal ko sa kanila, hindi na ako iiyak katulad ng nasa bukid kami.

FLASH BACK

MAY 200 [MAG se 2nd year high school]


Napansin kung nawawala ang pera ko na naiwan ko malapit sa pintuan, hinanap ko pero wala talaga. Para pa naman yun pambaon ko sa eskwela pagdating ng pasukan. Tinanong ko si kuya kung nakita bah niya at hindi nga ako nagkamali siya nga ang nakakita, pero tinutukso pa niya ako na wala na daw bawian kasi nakita na niya iyon, tumatawa tawa sya, siguro joke lang niya yun pero nainis talaga ako kasi talagang pikon ako pagdating sa kanya, hindi ko naman sya malabanan kaya umiyak na lang ako at binuhos ko ang galit ko sa sampayan namin hindi naman yun nasira pero nakita ako ni papa sa ginagawa kung yun, kumuha sya ng kahoy ng bayabas  at pinapalo niya sa akin. Mga ilang palo lang yun pero parang iba ang hapdi ng dulot ng palong yun, nung habang pinapalo niya ako umiyak ako dahil sa inis sa kuya ko pero ng matapos na iyon nakita ko sarili ko, may mga sugat sa kamay, legs, sa likod ay meron din. Dumudugo angbawat sugat na dulot ng palong yun, naaawa ako sa sarili ko ng panahong yun. Nakita ni mama ang mga sugat nay un, nakita nila lahat .Parang na guilty si kuya , naawa si ate at mama pero lahat walng sinabi. Hinintay ko na sana meron kahit isa sa kanila ang magtanong kung ok lang ba ang nararamdaman ko pero wala. Bakit ba to nangyayari , umabot na ako sa puntong hinangad ko na sana mamatay na si papa o kaya naman ay parusahan ng diyos, alam ko mali yun pero hindi ko na naisip yun.

Lumipas ang mga buwan nagkaskit c papa, meron syang ‘’tuberculosis’’.  Naisip ko siguro nadinig din ang panalangin ko, palagi sya nasa bahay naawa ako sa kanya pero konti lang ni hindi ako umiyak ng malaman ko. Isang gabi nagsusuka siya ng dugo, marami; talagang nataranta si mama kami lang kasi ang tao sa bahay nun. Sumaklolo ang aming mga kapit-bahay, maraming usyusero. Dumating si ate sa ospital pagkatapos ng klase nya umiiyak sya pagpasok pa lang sa ospital, humahagulhol talagang nakaka-awa sya sa paningin ng ibang tao. Kinapa ko ang sarili ko, hindi ko maramdaman ang kalungkutang nadadama niya para k papa, kahit konti kahit isang patak ng luha ko ay hindi tumulo kahit pinilit ko, nanaig ang aking pagkasuklam sa kaniya. Pagkasuklam na sa bawat pagsakit ng aking tagiliran, sa bawat nakikita ko ang mga peklat na dulot ng pagpalo niya ng kahoy ng bayabas ay bumabalik sa akin ang lahat ng pagpapasakit niya at pag mamalabis sa akin. Hindi ko na hinahangad ang pagmamahal niya ngayon hinding hindi nah.

Siguro napag isip-isip din nya ang mga kasalanan niya matapos makabalik sa bahay galing ospital. Wala siyang ibang anak na tinatawag kundi ako, ako palagi nag aasikaso sa kaniya. Sa totoo lang hindo ko gustong pagsilbihan sya pero para makabayad man lang ako sa pagsilang nila sakin ni mama kaya inawa ko ang pagsilihan sya. Wala na ang respeto ko sa kaniya nawala nah,  respeto na lang sa pagiging tao ang mero ako na para k papa. Kapag nadidinig ko siyang tumatawag sakin kumukulo na ang dugo ko, hindi din naman nila ako masisisi kung bakit ako nagkaganito. Kahit si mama ay napuna ang pagbabago ko, nadinig niya ang pag aaway namin ni papa minsan. Sinabi ko ang mga katagang

‘’NASAAN NA NGAYON ANG MGA PABORITO MONG MGA ANAK ? , SANA SILA ANG NAGSISILBI SA IYO NGAYON, SANA SILA ANG INUUTUSAN MONG MAGPAHID NG LANGIS DIYAN SA LIKOD MOH. BAKIT WALA SILA NGAYON?, BAKIT AKO PALAGI ANG INUUTUSAN MOHDAHIL BA SA ALAM MO PA NA AYAW NILA, KASI AYAW NILA MALANGISAN ANG MGA KAMAY NILANATATAKOT KANG PANDIRIHAN KA NG YUNG MGA PINAKAMAMAHAL NA ANAK, KASI MASASAKTAN KA HA GANUN BAH?

Nakita kung maiyak-iyak si papa sa sinabi ko, pero ewan ko ba hindi ko napigilan ang sarili ko. Huli na ang pagsisisi ko nasabi ko nah ang nilalaman ng damdamin ko sa tagpong yun.

KASALUKUYAN



Nalulong ako sa bisyo, nagkaroon ako ng mga kaibigang merong ibubuga. Ginagawa nila akong tagadala ng gamit, at utusan pero ok lang yun sanay na ako. Pumupunta kami sa ibat ibang klaseng bar, inuman dun disco ditto lalaki dun at sex ditto. In short maling impluwensya ang nasamahan ko. Pero dun ko lang nadadama na naggiging Masaya ako kahit sandali. Hindi na ako mapagsabihan nina mama at papa, nag rebellede na ako. Total hindi naman ako nag-aaral, anu ang gagawin ko magpa alila sa kanila ulit, hindi na oi sawa na ako. Nagsusugal ako, bingo at tong its sinuswerte naman ako kaya nagkakapera ako at iniipon ko ang panalo ko.
Fully recovered na si papa at syempre balik na naman ang kulo ng dugo sakin, lalong lalo na ngayun na lulong ako sa ibat-ibang uri ng bisyo. Marami sila naririnig sa mga tsismosa samin na kesyo naglalandi na daw ako, eh pakialam naman nila wala naman silang ebidensyang mapapakita. Kinausap nila ako tungkol ditto ang sinabi ko lang ‘’ BAKIT KAYO NAGAGALIT, DAHIL BA SA AYAW NINYO MASIRA ANG PANGALAN AT REPUTASYON NINYO, ANU KAYO MGA CELEBRITY AT ARTISTA NA DAPAT PANGALAGAAN ANG REPUTASYON.’’  Sampal ang inabot ko.




Naramdaman kung sumasakit tiyan ko minsan,  inutusan ako ni papa pero hindi ako umuo kasi sakit ng tiyan ko siguro sa kidney yun. Namimilipit ako sa sakit sinabihan lang niya ako na nagpapanggap lang para hindi mautusan. Ni hindi nga sila nag atubiling bumili ng gamot para sakin eh, nasanay na ako na ako ang bumibili at sariling pera ang ginagamit para sa sarili ko, salamat sa sugal at nag kakapera ako.

Nabuwag ang grupo namin, hindi na din ako nagpupunta sa bar. Hinihikayat ko ang mga kabataang babae samin na mag overnight sa chat. 3 times a week kami kung makapag over night. Sinasaway ako ni papa, nagpapakababa daw ako nakakahiya daw. Akala niya siguro scammer ako at ag papanggap na babae para makapanloko sa kapwa. Sa chat nakakakilala ako ng mga taong may gusto sakin, at tanggap ang pagigiging bakla ko. Isa na ditto c BRYAN [eglish]. Marami kaming napag uusapan, sinabi ko sa kanya ang mga napag daanan ko, naawa daw sya sakin kasi grabe daw mga panlalait na nakukuha ko. Nakilala ko din si JACK [american] mabait at palaging nagbibigay sakin ng advise at nangakong tutulong saking makabalik sa college. At si   KARL [german] na pabalik balik na sa pinas at bibisita sakin 1 month after nung unang chat namin.


Pasensya na sa part 3 ng series ko maraming dull moments ang nasasali, pero malapit na ang hinihintay na pagbabago sa buhay ni jeri jones, at alamin kung sino kina BRYAN, JACK, AT KARL ang aahon sa kanya at magbibigay ng pagmamahal at pagmamalasakit na higit pa sa kanyang mga magulang.

Monday, October 25, 2010

“Another Cinderella Story” ANG BUHAY NI JERI JONES PART 2





By                    :           JERI.JONES
email               :           bubuygas@yahoo.com
Blogsite           :           jerijonesstories.blogspot.com
Other details   :           09264333053

Salamat sa mga comments ninyo sa part 1 ng buhay ni jerijones. Salamat sa mga pang unawa at time sa inyong  pagbabasa na kahit hindi man malilibog ang aking mga kwento ay nagugustuhan nyo pa din. Salamat din sa paghihintay ninyo sa part 2.



SINO BA ANG MAY GUSTO NA MAG PAARAL NG ISANG TAONG TAMAD, KUNG AKO LANG ANG MASUSUNOD HINDI NA IYAN PAG-AARALIN”  nadinig ko na sabi ni papa, parang wala na talagang pag-asa hindi ko na alam ang gagawin ko.

Umiyak ako nang gabing yun, talagang hindi ko mapigilan ang pag tulo ng mga luha kung matagal ko nang  pinipigilan, iba ang bugso ng aking damdamin ng sandaling iyon.  Tanging ang makatapos ng pag-aaral ang nakita kung paraan para makaraos at guminhawa ng konti ang buhay ko, para na din makakuha ng respeto sa mga taong nanlalait sa akin magpa hanggang ngayon. Sa dating gawi na naman ako umakyat sa aming bubung at dun nag-iiyak. Kahit anung gawin kung pagpigil hindi talaga, wa epek pa rin. Pinagdasal ko sa diyos na sana makapag aral ako kahit yun lang ang ibigay sakin ngayun wala na akong hinangad pang iba ‘’ SANA DINGGIN MO AKO OH DIYOS’’.

Tinawag nila ako para kumain pero pumasok na lang ako sa kwarto at dun nag patuloy saking pag-iiyak. Bumalik sakin ang ala-ala kung saan ko napatunayan na wala talaga akung  lugar sa pamilya at walang  pagmamahal sakin ang aking ama.

Grade 6 ako nun, bilang graduating meron kaming  1 night show          ‘’ MCS EXTRVAGANZAH’’   sasayaw kami sa public plaza stadium at isa ito sa high lights ng aming graduation sa elementary. Lahat ng kaklase q ay ang saya saya, nandun ang kanilang pamilya; mama, papa hm bastah. Parang ako lang ata ang wala kahit isa man lang sa kanila. Muntik na ako hindi makapag sayaw sa ethnic dance namin kasi wala akong costume buti na lang at ang nananahi ng costume ay lola ng kaibigan ko kaya  pinatahian niya ako sa lola niya, wala akung bayad  kaya ang saya saya ko nun.  Sa literary [musical play] naman kelangan ng blue shirt timing naman na binigyan ako ng tita ko ng blue shirt na may print na bilog sa gitna. Kaya lng kelangan daw ng print ang blue shirt, di bale nah hindi naman nila mapapansin cguro kasi madami kami .  Sa modern dance naman  plain white t-shirt kaya ok nah. 

Makakapag sayaw na talaga ako kelangan ko na lang mag paalam k mama at papa.
Hindi sana ako papayagan ni mama na sumali sa show at dahil daw sa gabi ito, malapit lng naman ang bahay namin ang  plaza parang 150 meters away lang kaya hindi sya delikado. Talagang kinulit ko si mama na makapuntah ako dun salamat naman at pumayag din sa isang kundisyon na dapat 10pm naka uwi na ako.  Ok na ok lang kasi 6pm magsisimula ang show kaya makakauwi din ako nang maaga.

SA SHOW

6 pm pinakain pa kami ng mga guro para hindi kabahan, malelate daw  ng konti kasi nagkaroon daw ng aberya na di naman namin alam. 7pm hindi pa din nagsisimula ang show, 8pm inanounce na malapit  na magsimula and finally 9pm nagsimula na ang show. Lahat ng kasali sa show nandun sa stage sumasayaw para sa aming introduction dance at kasali ako sa lider ng grupo naka puwesto ako sa gitna  ng stage. Maraming ilaw para bang walang kasing saya at walang problema sa mundo, nandun ako sumasayaw at kanta kanta lang nalimutan ko na may taning din ang aking saya na nararamdaman. Buti pa si Cinderella 12am sya babalik sa tunay na mundo niya, ako hanggang 10pm lang.

Una kaming sasayaw, ethnic dance. Naka saya lang kaming mga lalaki na mint green. Kun todo sayaw na ako nun talagang hinusayan ko kasi dun lang merong tao na nakaka appreciate sakin. Hiwayan at tawanan ang lahat sa performance namin dahil tinalbugan ko pah sa giling ang mga babae sa pag sayaw. Bumaba ako sa stage na ang saya saya, ang choreographer naming na si kuya chad ay tuwang tuwa sakin kasi ako daw ang pinanuod ng mga tao. Buti pa ang ibang tao naka appreciate sakin, cguro kung nakita lang nila mama at papa kung gaano ako ka husay sa pagsasayaw  magiging proud din sila at makaka appreciate.

Next number namin ay ang modern dance ‘’she bangs’’. Malapit na ang 10pm, kaya napagpasyahan ko na last na lang ang modern dance at uuwi na ako, bahala na ang sa literary musical hindi na lang ako sasali dun para makauwi at hindi mabulyawan at mapalo ni papa. Malapit na din ang modern dance namin, me nagsasayaw pa sa stage at kami na ang susunod. Nag ready na kami back stage ng kalabitin ako ni kuya, nakapunta si kuya nanonood pala siya syempre natuwa ako konti pero hindi pala, sinabihan niya ako na lumabas na daw kasi si papa nasa labas ng stadium at  galit na galit daw, ‘’mamaya na kasi mi sayaw pa ako last nato, kami na susunod sandal lang sabihin mo ke papa’’ sabi ko ‘’ bahala ka diyan mapapalo ka na naman sa ginagawa moh’’ si kuya. Umalis na sya papunta sa labas ng stadium, talagang kinabahan na ako ng todo kasi kami na ang susunod at alam kung palo ang aatupagin ko sa bahay pag-uwi. Nang papa-akyat na ako sa stage merong humila sa aking mga braso, pag lingon ko ang mukha ni papa ang aking nakita at nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang kakainin ako ng buhay, wala siyang sinabi kahit isa sa akin pero alam ko ibig sabihin ng tingin na iyon. Agad-agad kong kinuha ang bag ko, paglingon ko sa stage nagtitinginan na ang mga ka grupo ko sa sayaw hinahanap nila ako, bulung-bulongan sila hindi nila ako nakita at ako ay umalis na lang.

Ang lungkot ko gusto ko makasayaw sa modern dance dahil isa iyon sa mga pinaka nagandang number. Nag simula na ang tug-tog ng ‘’she bangs’’ hindi ko alam kong sino ang pumalit sakin. Paglabas ko ng stadium agad hinablot ni papa ang aking buhok at ako ay kinalad kad, me mga taong nakakita sa ginawa ni papa sakin pero konti lang kasi busy ang lahat sa panonood. Umiiyak ako at talagang humiyaw ako sa sakit ng sandaling iyon, hindi ako makawala pina palo palo niya ako habang hawak niya ang aking buhok, hindi na talaga makatao ang ginagawa ni papa sakin, at lalong alam kong kung hindi na pag didisiplina ang ginagawa niya, hindi ako makalakad ng diretcho. Nang pinakawalan niya ang buhok ko tatakbo sana ako kaya lang sinipa niya ang aking likuran at nadapa ako, hablot na naman sa buhok at pinatayo niya ako. Akala ko bulyaw lang at palo ang aabutin ko sa gabing yun, meron pa palang sabunot, sampal, at sipa hanggang sa di ako makalakad ng tuwid. Kulang nalang gumapang ako papauwi sa bahay, di ko na lang ininda ang sakit ng mga sipang iyon, bawat sampal ay tinanggap ko na lang. Nakarating kami  sa bahay at nakita ko si mama na awang-awa ang mga mata sa akin, pero di ko kelangan ang awa niya ng panahong yun, kelangan ko ang pag aaruga ng isang ina. Di ko iyon nakuha, patuloy padin ang mga palo akoy parang manhid na, hindi na ako gumalaw tinaggap ko ang lahat wala akong magawa. Sana ampon na lang nila ako, para hindi mas masakit ang nararamdan ko ngayon. Mas maiintindihan ko pa sana. Kung paano natapos ang mga sipa, sampal, sabunot, at mga palo ni papa ay hindi ko na namalayan. Hindi ko na maalala kung pano ako nakarating saking kwarto.

Nasa ganun akung pag-iisip ng sumakit ang aking tagiliran, ang pangyayaring yun ay talagang hinding hindi ko makakalimutan sapagkat bawat kirot ng aking tagiliran malapit sa aking puwet ay ang ala-alang iniwan ng tagpong yun. Tinanggap ko sa mga sandaling yun na hindi na ako makakapag-aral pah kelangan ko na lang makagawa ng bagong plano, siguro mag tatrabaho na lang ako pero kababago lang ako nag 16 me tumanggap naman kaya sakin, lalo na probinsya tong amin wala masyado trabaho.
Enrollment na ng university  na gusto kung pag-aralan, hindi ko maiwasang manlumo at manghinayang sana nag enroll na ako ngayon at pumipila para makakuha ng subjects. Lumipas ang isang araw inisip ko parin  palagi n asana makapag aral ako dun.

Kina umagahan tinawag ako ni mama. ‘’Jeri kelan bah ang enrollment ng 1st year sa university nayung papasukan, malapit na ang enrollment ng ate mo ah [iisa lang kasi ang university na papasukan sana namin]’’ natuwa ako sa narinig kasi para bang sinasabi ni mama na pag aaralin ako kaya niya tinatanong kung kelan ang enrollment ko. ‘’bakit po bah ninyo tinatanong, ngayon na poh ang last day ng enrollment’’ sabi ko. ‘’Anu, magbihis kana at para makapag enroll kana’’. Talagang natuwa ako sa narinig galling ke mama, dininig din ng diyos ang aking hiling na makapag-aral. Agad-agad akong nagbihis, ang saya saya ko nun. Napag alaman ko na pinilit ni mama si papa para pumayag na makapag-aral ako, meron pa palang pagmamahal si mama para sakin talgang ang laki ng pasasalamat ko k mama nun at syempre sa ating POONG MAYKAPAL.


Nakapag aral ako sa university na pinapasukan ng aking ate,  ang kurso ko ay electrical engineering technology, kasi yun na lang ang slot na natitira sa MSU-IIT. Dun ako tumira sa bahay ng aking tito kapatid ni papa, ok lang ako dun sa bahay nila wala ako masyado trabaho at talagang nakakapag-aral ako. Meron silang 2 anak babae-13 at lalaki-14 parehas sila 1st year high school. Mabait naman ang tito ko at ang asawa niya, wala akong maipintas sa kanila. Ang mga pinsan ko naman mahiyain di kami nag uusap, nag uusap lang kami kung tinatawag namin ang isat isa.

Nag-aaral ako sa MSU-IIT ng walang gamit, kahit bag wala ako. Naalala ko, dati nung c ate ang nag college pinag handaan nila ang mga gamit niya, binilhan ng mga bagong damit at pantalon, kung sa damit naman ang pag-uusapan marami sya kasi binibigyan kami ng mga pamababaeng damit ng pinsan ni mama na galling hawii. Naisip ko tuloy kung kelan ang huling petsa na nagkaroon ako ng bagong damit na binili ni mama at papa sakin, naalala ko grade 2 pa ako nun at grade 3 yung bagong sapatos. Pero ok lang sakin, di bah nga pinanalangin ko na kahit makapag aral ako  ay ok na, hindi na ako hihiling pa ng iba. At tsaka ok lang naman sanay na ako sa ganito, at kung lalaitin man ako ng magiging kaklase ko sa university, ok na lang din marunong na naman akong magpanggap na parang wala lang, na hindi ako naasaktan sa mga lait nila. 120 pesos lamang ang baon ko every week, nilalakad ko na lang ang bahay hanngang sa university mga 350 meters lang naman ang layo, para na rin matipid ko ang allowance ko at makabili ng bag at gamit sa skul.

Minsan nagkasakit ako habang nasa bahay ng tito ko inu-ubo ako at sini sipon, hindi ko sinabi sa tito ko kasi nahihiya ako, ayuko maging pabigat sa kanila.  Ang asawa ng tito ko ay nagtatrabaho sa isang clinic, meron syang mga na tatake home na mga gamut. Siguro napansin niyang sinisipon ako , binigyan niya ako ng gamot. Maiyak iyak ako sa mga sandaling yun kasi naman may isang taong ina-alala ang aking kalagayan. Sa pagtulog ko naalala ko ang sandaling nanduon ako sa bukid, nag away sina mama at papa nun hindi rin namin alam ang dahilan kung bakit at anu ang pinag awayan nila. Sina papa at mga kapatid ko ay nandun sa lungsod at ako ay inutusan nah pumuntah sa bukid para naman may makasama si mama doon. Nag papastol ako ng baka nun at kambing, nakikita ko si mama na mapula ang mata at namumugto halatang galling sa iyak. Wala akong sinabi o imik ayokong magsalita hindi rin ako nag tanong. Gumabi nah at dahil sa nakakabinging katahimikan parang nalulungkot ako at naiiyak, dala na rin siguro na nakikita ko k mama talagang umiyak sya habang kami ay kumakain. Hindi ko maiwasang umiyak habang nakikita kung tumutulo ang kanyang luha habang kami ay kumakain.

Natulog na lang ako, ayokong Makita niya akong umiiyak ayoko magpakita ng emosyon, sinasanay ko na ang sarili ko na parang wala lang sakin ang lahat. Nagtago ako sa kwarto nag-iisip hanngang sa makatulog. Nagising na lang ako ng yakapin ako ni mama at hinagkan sa noo. Walang ilaw kaya hindi niya nakikita ng tumutulo ang luha ko. Nakaharap ako sa kanya kaya tumagilid ako patalikod, niyakap pa niya ako ng mahigpit at sinabing ‘’ I LOVE YOU ANAK’’. Naiyak na ako ng husto, para saan ang mga salitang yun para ba talaga sakin yun oh para k ate at kuya. Niyayakap niya ako dahil sa walang ibang taong nandun wala ang kanyang mga paboritong anak. Matagal kung inaasam ang madinig yun pero ng narinig ko na hindi tinatanggap ng isip at puso ko ang mga katagang yun, alam kung hindi para sa akin ang mga yun.
TANGGAP KO NA, NA AKO LANG MAG-ISA. KAKAMPI KO LANG AY ANG SARILI KO. HINDI NILA AKO MAHAL.  


Itutuloy………………………………………

Saturday, October 23, 2010

“Another Cinderella Story” ANG BUHAY NI JERI JONES PART 1

“Another Cinderella Story”

ANG BUHAY NI JERI JONES PART 1


Note: ang kwentong eto ay hango sa tunay na pangyayari at karanasan ng buhay ng may-akda. May mga iilan lang  bagay, pangyayari ang binago at dinagdag para sa ikaka ganda pa ng kwento. Sana magustuhan poh ninyo.


Im here sa house ngayon, nag -iisip, nagtataka, nag mumuni-muni. Ang sakit, ang sakit sakit ng kahapong nagdaan ay di agad makakalimutan. Lalo na kung sa taong minamahal mo pa galing.

Im 21 years old running 22, di ko nah mapigilan ang pagtakbo ng oras. Kay bilis ng mga pangyayari sa buhay ng tao. Kung kelan akalo moh OK na ang lahat tsaka mu malalaman na malapit na oras mo or d mo alam kung kelan ka mawawala pero alam mo na malapit na ang ORAS na yun. That any time by now pwede ka ng mabura sa earth yan ang buhay q ang buhay ni JERI JONES.

1989

Ipinanganak ang isang batang pagka puti puti sa Mindanao, kung babae lng xa cguro sya na c snow white sa kaputian (red lips dn ako jejeje). Kay galak ng mga magulang nya at hindi maipaliwanag ang naramdaman habang karga karga ang bago lamang kasisilang na anak. Sya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Siya si jeri jones. AKO SI JERI JONES.



Pasensya na, si cindy ako at hindi si snow white, lumaki ako na hindi naniniwala sa fairy tales, alam ko naman ang totong takbo ng buhay. Ang buhay ng tao ay mahirap at unpredictable, di tulad ng sa fairy tales alam mo na ang ending ay “AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER”.
Lumaki akong kulang sa pagmamahal ng aking magulang, pagmamahal na pinaka kailangan ng isang batang wala pang muwang sa mundo. Mali kayo kung iniisip ninyo na patay na ang mga magulang ko, buhay sila buhay na buhay at kumpleto pa kami, tatlo kaming magkakapatid at ako ang pinakabunso. Sabi nila ang pinakabunso ang pinaka baby ng pamilya at sya kadalasang spoiled sa lahat. Pero bakit kakaiba ako sa lahat, wala akong madratsta at step sisters na tulad ni cinderella. Nagbago ang kasiyahan ng magulang ko ng Makita nilang lumalaki akong malabot at pino kung kumilos. Isang BAKLA.

Totoo ko silang pamilya pero bakit nararanasan kung laitin ng sarili kung ama. Bakit hindi ako pinapansin ng aking ina sa tuwing may sakit ako. Bakit hindi ako maipagtanggol ng aking mga kapatid sa mga batang umaaway sakin. Bakit sila nasisiyahan sa tuwing nakikita akong umiiyak. Inisip ko, siguro kapag magpapakabait ako may magbabago din.

Hindi ko na maalala masyado ang mga pangyayari nuong nasa elementarya pa  ako, oh siguro ayaw ko ng alalahanin pa. May isa lang pangyayari ang  nagtatak sa isipan ko. Grade 5 ako nun humihingi ng pera para sa project sa HE namin, sabi ni mama sa susunod na lang daw ako, kasi dapat unahin si kuya(pangalawa sa magkakapatid) kasi graduating sya, sabagay tama naman si mama kaya inintindi ko iyon, kaya lang nang ako na ang graduating iba na naman ang nagiging rason, hindi naman daw importante ang elementarya dapat daw unahin sina atet kuya kasi nasa high school na daw sila na lahat naman daw na graduating sa elementarya ay papasa lahat kaya ok lang na hindi na ma kumpleto ang project sa elementary. Maliit lang na bagay yun kung tutuusin pero iba ang dating sakin. Dahil sa pangyayaring yun natutu akung mag trabaho at maghanap ng mapagkakakitaan. Nagbenta ako ng mani at mga kakanin para sa baon ko at ipon para magka project.

Nag high school ako, mayroong mga bagong kaibigan masaya, mga malulutong na tawanan, mga di maipintang tawa pero sa likod ng mga halakhak ko ay ang mga luhang tanging ako lamang ang may alam at ang aming bubong. Nag 1st year ako, bago lahat ng gamit ko nun, talagang masaya ako maliban sa bag at sapatos ko bago ang lahat ng gamit ko. Kasi lumaki ako na lahat ng gamit ko ay pinaglumaan na ng kuya ko. May mga kaibigan ako mababait sila kaso marami ding mga salbahe mga ‘MEAN GIRLS’. Palagi nilang nilalait ang sapatos ko, hindi naman butas ang sapatos ko sa katunayan matibay na matibay iyon, kaso ang kulay ay kupas na brown talagang luma na. Wala akong paki sa panahong iyon di ko pa naman alam ang mahiya dahil hindi maganda ang suot ko. Kaso sa bawat panlalait nila, sa bawat kantiyaw, sa mga pagkakataong pinaalala nila sakin kung gaano ka kakahiya ang sapatos nayun unti unti akong nahihiya, nanliliit sa aking sarili at nawalan ng mukhang ihaharap sa kanila.

Nag tunaw ako ng dye powder na black at binabad ko ang sapatos ko, nagging iba na ang kulay nya kaya sa isip ko hindi na ako malalait nila pero mali ako, hindi pala, mas lalo lang nila ako nilait dahil dito kasi ang CHEAP daw ng ginawa ko bakit hindi na lang daw ako magpabili ng bagong sapatos.

Narinig ko sina mama at papa na nag-uusap na bibili daw sila ng sapatos, nag alarm ang tainga ko siguro para sa akin yun, siguro napansin nila ang pangit ko na sapatos. Bibili daw sila ng sapatos para kay kuya para daw ganahan sya sa pag-aaral, sinabihan ko si mama na ibili din ako ng sapatos, kahit sa ukay ukay lang yung black shoes na tag 100 pesos. Sabi ni mama sa susunod na lang daw ako, si kuya muna kasi maliit lang ipon nila may bibilhin din kasi silang importante.

Bumalik sila mama galing syudad dala dala ang sapatos ni kuya at ang binili nilang welding machine,di na ninyo itatanong welder si papa at nagsasaka din sa bukid, kahit papano meron talagang pera kung tutuusin. Grabe para bang ang saya ng aming pamilya naming nun, may dala ding pagkain nun pero sa mga ngiti at kasiyahan ng aking pamilya naiiyak ako, naiiyak ako hindi dahil sa kasiyahan kundi sa panibugho para sa kuya ko kasi binilhan sya ng sapatos na worth 1000 pesos, 100 lang yung pinabili ko k mama pero di man lang nya iyon binigay ang mahal ng sapatos ni kuya ako para bang napag iwanan.

Minsan napapaiyak ako ng wala sa oras, wala akong magawa para bang lahat ng kamalasan at pasakit ay nasa sa akin na lahat, ako ang nagpapasan ng mundo. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit ako hindi napapansin ni papa at mama, siguro dahil hindi ako honor student tulad ni ate pero bakit si kuya di naman sya honor ah? Siguro dahil bakla ako siguro yun ang dahilan, kinahihiya nila ako at di ko naman sila masisisi kung pwede ko lang gawing lalaki ang sarili ko gagawin ko pero mahirap gawin. Kumakanta na lamang ako sa tuwing naiiyak ako yun na lang ang tanging libangan ko, pero sa tuwing kumakanta ako palagi kung nariring ang mga katagang “TUMAHIMIK KA NGA DYAN, PARA KANG BAKA KUNG UMAWIT. NAPAKA AMBISYOSO MONG BATA KA!”  Tinig yun ni papa.  Naiiyak ako pero pinipigil ko ang luha kung pumatak, ayoko nakikita niya akong umiyak. Tatakbo agad ako papunta sa bubong naming at dun iiyak ng iiyak. Wala akung kakampi si kuya k mama si ate k papa, sino ang paras a akin? Sino? Wala, wala ako kakampi sarili ko lang.

Kapag nasa school ako masaya akong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko, pero sa tuwing dumadating ang grupo ni Bridgette natataranta ako. Isang araw nagtatawanan kami ng grupo ng dumating ang mga mean girls kaya umiwas ako kaya lang Hindi ko sinasadyang maapakan ang paa ni Christine faye, “array,!!!!!!!! Ang sakit ng paa ko huhuhuhu” si faye ay hindi normal may sakit sya pero hindi ko alam kung ano, nataranta ako. Agad namang lumapit si Bridgette at para bang merong mangyayaring hindi maganda. Sinumbong pala nya ako k maycel ang pinsan at tagapagtanggol ni faye na kagrupo ni Bridgette, “anu ba ang nangayari sa pinsan ko jeri huh?” “sorry maycel di ko sinadya” nataranta ako di ko alam ang gagawin ko di ako sanay makipag usap na parang ini interrogate ako. “yun kasi ang napapala ng mga taong palaaway, para namang sino kung makaasta” “bridgette di mo naman ala…..” “wag ka na magpaliwanag jeri, nasaktan na si faye at hindi mo alam kung kelan pipigil yan” “di ko na uulitin sa susunod maycel” “dapat lang dahil hindi kami katulad mo na WALANG MONEY! ”.  Parang nawalan ako ng pandinig ng mga sandalling iyon, para bang hindi ko masyado narinig sinabi ni maycel pero alam ko na yun ang sinabi nya, pinamukha nya sakin kung gaano ako kaliit pero ayaw lang tanggapin ng isip ko ang sinabi nya. Umiyak na lng ako ng  patago.

Graduation n ani ate at salutatorian sya, ang taas ng parangal nya at proud na proud sina mama at papa. Nagiging abala sina mama at papa para sa college ni ate kesyo kelangan ng bagong gamit na angkop paras a kanya at kung anu-ano pah  BASTAH. kaya nung summer ding yun ay  sumali ako sa flores de mayo para libre school supplies. Kaya lang papel at isang notebook lang ang nakuha ko, nag recycle na lang ako nang notebooks ko. Wala ng mga bagong gamit balik na ulit sa dati puro luma na naman ang gamit ko. Kantiyaw, panglalait, at pang aalipusta na naman ang nakukuha ko sa grupo nina Bridgette pero nakaya kung magpanggap na hindi nasasaktan na wala lang sa akin ang lahat. Dahil sa pagsisikap Na belong na ako sa top 10 nasa 8 ako kabilang na din ako sa honors pero d naman ganun ka proud sina mama at papa sa akin pero ok lang. Inako ko na lahat ng gawaing bahay, mula paglilinis hanggang paglalaba, inisip ko na lang na working student na lang nila ako at sila ang amo ko kasi hindi masakit yun, masakit kasi isipin na sarili mong kadugo ang isa sa mga dahilan ng bawat patak ng luha mo. Nakayanan ko iyong gawin, parang laro-laro lang parang  bahay-bahayan kumbaga,  sila ang mga amo ko. Pagpunta sa bukid ay ako ang kasama palagi, hindi na kasi masyado pumupunta mga kapatid ko dun ako na lang kasi nahihiya sila, nahihiya na din ako nun konti pero wala naman akong magawa. Hindi na din ako masyado himihingi ng pera sa project, ang ginagawa ko ako ang gumagawa pag may group project kinokolekta ko na lang ang perang gagamitin pag me sobra dun di baon ko nah.

 Nag paenroll ako sa fourth year ng magtawanan sakin ang mga teachers ko, tinanong nila ako kung talaga bang magpapaenroll ako, sabi ko oo naman ang sabi ng isang teacher “SIGURO NAKAPAGSAKA KA NA NG NIYOG NOH” at tawanan silang lahat ng teachers na nandun sa faculty office. Masakit ang mga katagang yun, lalo pat mga guro mismo ang nagtatawanan sakin, imbes sila dapat ang nag e encourage sa student na mag-aral sila pa yung nanlalait. Baling araw makikita din nila na magtatagumpay ako, at sa araw nay un ipamumukha ko din sa kanila kung gaano sila kaliit. Hindi din naman ninyo ako masisisi buong buhay ko nanahimik ako at nakayuko, at umiiyak mag isa. May araw din para sa akin.

Magaling akong bumasa todo diction at very pronounce ang mga words, minsan pinabasa ako ng salmo sa simbahan ng first Friday mass namin (nag school po ako sa isang private catholic school) sinabihan ako ng English teacher namin na “WALA KA BANG IBANG UNIFORM BUKOD DYAN SA SUOT MO?, IBA ANG ISUOT MO BUKAS”  isa lang ang uniform ko kaya nilabhan ko na lang ang uniform ko. Siguro ang mga sinabi nilang yun  ay paraan ng pag jo joke nila, pero iba ang dating ng joke na iyon sa akin kasi totoo na talagang wala naman akong ibubuga tapos right to my face pa nila PINAAALALA SA AKIN ANG AKING PAGKA MAHIRAP. Wala akong binigay na sakit ng ulo sa magulang ko para PAG-ARALIN NILA AKO SA COLLEGE.

Maraming mga outings akong hindi nasalihan sa high school at na missed tulad ng Fieldtrips, wala daw kasi pera. Kahit mga b-day parties ng closest friend ko na c jayson di ako nakakapuntah at ang gala sa bahay nila erlito kapag fiesta, always ako absent kasi bawal umuwi ng gabi, buti pa si CINDERELLA  hanggang hating-gabi xa ako kahit alas diyes d pupwede. Siguro kapalaran ko na ang masaktan at masasaktan pa. hindi pa siguro ito ang panahon ko, panahon na makakabangon ako, kelan pa kaya yun ang tagal naman parang naiinip na ako sa kahihintay at nawawalan na ng pag-asa.

Graduation na may naipon naman ako konti kaya sasali ako sa aming party sa isang resort, I graduated with honors pero walang handaan hindi naman ganun kataas ang pagiging honor ko TOP 7 lang ako, sanay naman akong hindi ako napapansin eh kaya ok lang, di ba nga WORKING STUDENT NILA AKO AT SILA ANG AKING AMO .  Nag paalam ako k mama na sasali ako sa graduation party namin “PAANO YAN SINO ANG MAG PAPASTOL SA BAKA BUKAS?” “PUPUNTA NA LANG AKO SA BUKID NG MAAGA MAMA 5am  NANDUN NA AKO”.  Lahat ng paliwanag ginawa ko para mapapayag ko sila, napaiyak ako syempre kasi kahit sa araw man lang iyon di nila ako mabigyan ng holiday nang day-off. Pinayagan nila ako sumama pero magpapastol pa rin ako ng baka sa 5am kaya ok lang basta sa pagkakataong ito hindi ko ma missed kasi last hang out na ito ng barkada. Nakasama ako at ang saya-saya. Nakalimutan ko kahit papano ang aking mga problema at mga hinanakit sa buhay.

Summer na naman, talagang nag trabaho ako sa bukid at nagpakabait para makapag-aral ng college, ayoko mag stop kasi iyon na lang ang pinanghahawakan ko na pag-asa. Pag-asa na kung matapos ako sa pag aaral ay magiging maginhawa na ang buhay ko at wala ng mang aalipusta at manlalait sa akin. Lahat ng iutos sa akin kahit labag man sa loob ko ay sinusunod ko kahit maiiyak iyak na ako sa kasusunod sa mg autos ok lang gagawin ko ang lahat. Kinausap ako ni mama “JERI WAG KA NA MUNA MAG-ARAL IPAGRADUATE MUNA NATIN ATE MO, ISANG TAON LANG NAMAN”  in fairness pinaalam ni mama sa akin pero ayoko hindi na ako pumayag sa pagkakataong iyon. “SINO BA ANG MAY GUSTO NA MAG PAARAL NG ISANG TAONG TAMAD, KUNG AKO LANG ANG MASUSUNOD HINDI NA IYAN PAG-AARALIN”  nadinig ko na sabi ni papa, parang wala na talagang pag-asa hindi ko na alam ang gagawin ko.


Sa mga nakabasa nito, pasensya hindi masyado maganda ang mga conversation, hindi kasi ako masyado mka concentrate kasi storya ko ito, habang nag ta type sa key board ay umiiyak ako, sana subaybayan pa ninyo ang karugtong ng kwentong ito. Sa mga nakabasa ng una kung tampok na ‘’SALAMAT SA FACEBOOK’’ salamat po  a inyo at sa mga  magaganda pong mga comments at sa hindi pa nakakabasa, ito poh ang aking blogspot  http://jerijonesstories.blogspot.com/