Saturday, October 23, 2010

“Another Cinderella Story” ANG BUHAY NI JERI JONES PART 1

“Another Cinderella Story”

ANG BUHAY NI JERI JONES PART 1


Note: ang kwentong eto ay hango sa tunay na pangyayari at karanasan ng buhay ng may-akda. May mga iilan lang  bagay, pangyayari ang binago at dinagdag para sa ikaka ganda pa ng kwento. Sana magustuhan poh ninyo.


Im here sa house ngayon, nag -iisip, nagtataka, nag mumuni-muni. Ang sakit, ang sakit sakit ng kahapong nagdaan ay di agad makakalimutan. Lalo na kung sa taong minamahal mo pa galing.

Im 21 years old running 22, di ko nah mapigilan ang pagtakbo ng oras. Kay bilis ng mga pangyayari sa buhay ng tao. Kung kelan akalo moh OK na ang lahat tsaka mu malalaman na malapit na oras mo or d mo alam kung kelan ka mawawala pero alam mo na malapit na ang ORAS na yun. That any time by now pwede ka ng mabura sa earth yan ang buhay q ang buhay ni JERI JONES.

1989

Ipinanganak ang isang batang pagka puti puti sa Mindanao, kung babae lng xa cguro sya na c snow white sa kaputian (red lips dn ako jejeje). Kay galak ng mga magulang nya at hindi maipaliwanag ang naramdaman habang karga karga ang bago lamang kasisilang na anak. Sya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Siya si jeri jones. AKO SI JERI JONES.



Pasensya na, si cindy ako at hindi si snow white, lumaki ako na hindi naniniwala sa fairy tales, alam ko naman ang totong takbo ng buhay. Ang buhay ng tao ay mahirap at unpredictable, di tulad ng sa fairy tales alam mo na ang ending ay “AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER”.
Lumaki akong kulang sa pagmamahal ng aking magulang, pagmamahal na pinaka kailangan ng isang batang wala pang muwang sa mundo. Mali kayo kung iniisip ninyo na patay na ang mga magulang ko, buhay sila buhay na buhay at kumpleto pa kami, tatlo kaming magkakapatid at ako ang pinakabunso. Sabi nila ang pinakabunso ang pinaka baby ng pamilya at sya kadalasang spoiled sa lahat. Pero bakit kakaiba ako sa lahat, wala akong madratsta at step sisters na tulad ni cinderella. Nagbago ang kasiyahan ng magulang ko ng Makita nilang lumalaki akong malabot at pino kung kumilos. Isang BAKLA.

Totoo ko silang pamilya pero bakit nararanasan kung laitin ng sarili kung ama. Bakit hindi ako pinapansin ng aking ina sa tuwing may sakit ako. Bakit hindi ako maipagtanggol ng aking mga kapatid sa mga batang umaaway sakin. Bakit sila nasisiyahan sa tuwing nakikita akong umiiyak. Inisip ko, siguro kapag magpapakabait ako may magbabago din.

Hindi ko na maalala masyado ang mga pangyayari nuong nasa elementarya pa  ako, oh siguro ayaw ko ng alalahanin pa. May isa lang pangyayari ang  nagtatak sa isipan ko. Grade 5 ako nun humihingi ng pera para sa project sa HE namin, sabi ni mama sa susunod na lang daw ako, kasi dapat unahin si kuya(pangalawa sa magkakapatid) kasi graduating sya, sabagay tama naman si mama kaya inintindi ko iyon, kaya lang nang ako na ang graduating iba na naman ang nagiging rason, hindi naman daw importante ang elementarya dapat daw unahin sina atet kuya kasi nasa high school na daw sila na lahat naman daw na graduating sa elementarya ay papasa lahat kaya ok lang na hindi na ma kumpleto ang project sa elementary. Maliit lang na bagay yun kung tutuusin pero iba ang dating sakin. Dahil sa pangyayaring yun natutu akung mag trabaho at maghanap ng mapagkakakitaan. Nagbenta ako ng mani at mga kakanin para sa baon ko at ipon para magka project.

Nag high school ako, mayroong mga bagong kaibigan masaya, mga malulutong na tawanan, mga di maipintang tawa pero sa likod ng mga halakhak ko ay ang mga luhang tanging ako lamang ang may alam at ang aming bubong. Nag 1st year ako, bago lahat ng gamit ko nun, talagang masaya ako maliban sa bag at sapatos ko bago ang lahat ng gamit ko. Kasi lumaki ako na lahat ng gamit ko ay pinaglumaan na ng kuya ko. May mga kaibigan ako mababait sila kaso marami ding mga salbahe mga ‘MEAN GIRLS’. Palagi nilang nilalait ang sapatos ko, hindi naman butas ang sapatos ko sa katunayan matibay na matibay iyon, kaso ang kulay ay kupas na brown talagang luma na. Wala akong paki sa panahong iyon di ko pa naman alam ang mahiya dahil hindi maganda ang suot ko. Kaso sa bawat panlalait nila, sa bawat kantiyaw, sa mga pagkakataong pinaalala nila sakin kung gaano ka kakahiya ang sapatos nayun unti unti akong nahihiya, nanliliit sa aking sarili at nawalan ng mukhang ihaharap sa kanila.

Nag tunaw ako ng dye powder na black at binabad ko ang sapatos ko, nagging iba na ang kulay nya kaya sa isip ko hindi na ako malalait nila pero mali ako, hindi pala, mas lalo lang nila ako nilait dahil dito kasi ang CHEAP daw ng ginawa ko bakit hindi na lang daw ako magpabili ng bagong sapatos.

Narinig ko sina mama at papa na nag-uusap na bibili daw sila ng sapatos, nag alarm ang tainga ko siguro para sa akin yun, siguro napansin nila ang pangit ko na sapatos. Bibili daw sila ng sapatos para kay kuya para daw ganahan sya sa pag-aaral, sinabihan ko si mama na ibili din ako ng sapatos, kahit sa ukay ukay lang yung black shoes na tag 100 pesos. Sabi ni mama sa susunod na lang daw ako, si kuya muna kasi maliit lang ipon nila may bibilhin din kasi silang importante.

Bumalik sila mama galing syudad dala dala ang sapatos ni kuya at ang binili nilang welding machine,di na ninyo itatanong welder si papa at nagsasaka din sa bukid, kahit papano meron talagang pera kung tutuusin. Grabe para bang ang saya ng aming pamilya naming nun, may dala ding pagkain nun pero sa mga ngiti at kasiyahan ng aking pamilya naiiyak ako, naiiyak ako hindi dahil sa kasiyahan kundi sa panibugho para sa kuya ko kasi binilhan sya ng sapatos na worth 1000 pesos, 100 lang yung pinabili ko k mama pero di man lang nya iyon binigay ang mahal ng sapatos ni kuya ako para bang napag iwanan.

Minsan napapaiyak ako ng wala sa oras, wala akong magawa para bang lahat ng kamalasan at pasakit ay nasa sa akin na lahat, ako ang nagpapasan ng mundo. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit ako hindi napapansin ni papa at mama, siguro dahil hindi ako honor student tulad ni ate pero bakit si kuya di naman sya honor ah? Siguro dahil bakla ako siguro yun ang dahilan, kinahihiya nila ako at di ko naman sila masisisi kung pwede ko lang gawing lalaki ang sarili ko gagawin ko pero mahirap gawin. Kumakanta na lamang ako sa tuwing naiiyak ako yun na lang ang tanging libangan ko, pero sa tuwing kumakanta ako palagi kung nariring ang mga katagang “TUMAHIMIK KA NGA DYAN, PARA KANG BAKA KUNG UMAWIT. NAPAKA AMBISYOSO MONG BATA KA!”  Tinig yun ni papa.  Naiiyak ako pero pinipigil ko ang luha kung pumatak, ayoko nakikita niya akong umiyak. Tatakbo agad ako papunta sa bubong naming at dun iiyak ng iiyak. Wala akung kakampi si kuya k mama si ate k papa, sino ang paras a akin? Sino? Wala, wala ako kakampi sarili ko lang.

Kapag nasa school ako masaya akong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko, pero sa tuwing dumadating ang grupo ni Bridgette natataranta ako. Isang araw nagtatawanan kami ng grupo ng dumating ang mga mean girls kaya umiwas ako kaya lang Hindi ko sinasadyang maapakan ang paa ni Christine faye, “array,!!!!!!!! Ang sakit ng paa ko huhuhuhu” si faye ay hindi normal may sakit sya pero hindi ko alam kung ano, nataranta ako. Agad namang lumapit si Bridgette at para bang merong mangyayaring hindi maganda. Sinumbong pala nya ako k maycel ang pinsan at tagapagtanggol ni faye na kagrupo ni Bridgette, “anu ba ang nangayari sa pinsan ko jeri huh?” “sorry maycel di ko sinadya” nataranta ako di ko alam ang gagawin ko di ako sanay makipag usap na parang ini interrogate ako. “yun kasi ang napapala ng mga taong palaaway, para namang sino kung makaasta” “bridgette di mo naman ala…..” “wag ka na magpaliwanag jeri, nasaktan na si faye at hindi mo alam kung kelan pipigil yan” “di ko na uulitin sa susunod maycel” “dapat lang dahil hindi kami katulad mo na WALANG MONEY! ”.  Parang nawalan ako ng pandinig ng mga sandalling iyon, para bang hindi ko masyado narinig sinabi ni maycel pero alam ko na yun ang sinabi nya, pinamukha nya sakin kung gaano ako kaliit pero ayaw lang tanggapin ng isip ko ang sinabi nya. Umiyak na lng ako ng  patago.

Graduation n ani ate at salutatorian sya, ang taas ng parangal nya at proud na proud sina mama at papa. Nagiging abala sina mama at papa para sa college ni ate kesyo kelangan ng bagong gamit na angkop paras a kanya at kung anu-ano pah  BASTAH. kaya nung summer ding yun ay  sumali ako sa flores de mayo para libre school supplies. Kaya lang papel at isang notebook lang ang nakuha ko, nag recycle na lang ako nang notebooks ko. Wala ng mga bagong gamit balik na ulit sa dati puro luma na naman ang gamit ko. Kantiyaw, panglalait, at pang aalipusta na naman ang nakukuha ko sa grupo nina Bridgette pero nakaya kung magpanggap na hindi nasasaktan na wala lang sa akin ang lahat. Dahil sa pagsisikap Na belong na ako sa top 10 nasa 8 ako kabilang na din ako sa honors pero d naman ganun ka proud sina mama at papa sa akin pero ok lang. Inako ko na lahat ng gawaing bahay, mula paglilinis hanggang paglalaba, inisip ko na lang na working student na lang nila ako at sila ang amo ko kasi hindi masakit yun, masakit kasi isipin na sarili mong kadugo ang isa sa mga dahilan ng bawat patak ng luha mo. Nakayanan ko iyong gawin, parang laro-laro lang parang  bahay-bahayan kumbaga,  sila ang mga amo ko. Pagpunta sa bukid ay ako ang kasama palagi, hindi na kasi masyado pumupunta mga kapatid ko dun ako na lang kasi nahihiya sila, nahihiya na din ako nun konti pero wala naman akong magawa. Hindi na din ako masyado himihingi ng pera sa project, ang ginagawa ko ako ang gumagawa pag may group project kinokolekta ko na lang ang perang gagamitin pag me sobra dun di baon ko nah.

 Nag paenroll ako sa fourth year ng magtawanan sakin ang mga teachers ko, tinanong nila ako kung talaga bang magpapaenroll ako, sabi ko oo naman ang sabi ng isang teacher “SIGURO NAKAPAGSAKA KA NA NG NIYOG NOH” at tawanan silang lahat ng teachers na nandun sa faculty office. Masakit ang mga katagang yun, lalo pat mga guro mismo ang nagtatawanan sakin, imbes sila dapat ang nag e encourage sa student na mag-aral sila pa yung nanlalait. Baling araw makikita din nila na magtatagumpay ako, at sa araw nay un ipamumukha ko din sa kanila kung gaano sila kaliit. Hindi din naman ninyo ako masisisi buong buhay ko nanahimik ako at nakayuko, at umiiyak mag isa. May araw din para sa akin.

Magaling akong bumasa todo diction at very pronounce ang mga words, minsan pinabasa ako ng salmo sa simbahan ng first Friday mass namin (nag school po ako sa isang private catholic school) sinabihan ako ng English teacher namin na “WALA KA BANG IBANG UNIFORM BUKOD DYAN SA SUOT MO?, IBA ANG ISUOT MO BUKAS”  isa lang ang uniform ko kaya nilabhan ko na lang ang uniform ko. Siguro ang mga sinabi nilang yun  ay paraan ng pag jo joke nila, pero iba ang dating ng joke na iyon sa akin kasi totoo na talagang wala naman akong ibubuga tapos right to my face pa nila PINAAALALA SA AKIN ANG AKING PAGKA MAHIRAP. Wala akong binigay na sakit ng ulo sa magulang ko para PAG-ARALIN NILA AKO SA COLLEGE.

Maraming mga outings akong hindi nasalihan sa high school at na missed tulad ng Fieldtrips, wala daw kasi pera. Kahit mga b-day parties ng closest friend ko na c jayson di ako nakakapuntah at ang gala sa bahay nila erlito kapag fiesta, always ako absent kasi bawal umuwi ng gabi, buti pa si CINDERELLA  hanggang hating-gabi xa ako kahit alas diyes d pupwede. Siguro kapalaran ko na ang masaktan at masasaktan pa. hindi pa siguro ito ang panahon ko, panahon na makakabangon ako, kelan pa kaya yun ang tagal naman parang naiinip na ako sa kahihintay at nawawalan na ng pag-asa.

Graduation na may naipon naman ako konti kaya sasali ako sa aming party sa isang resort, I graduated with honors pero walang handaan hindi naman ganun kataas ang pagiging honor ko TOP 7 lang ako, sanay naman akong hindi ako napapansin eh kaya ok lang, di ba nga WORKING STUDENT NILA AKO AT SILA ANG AKING AMO .  Nag paalam ako k mama na sasali ako sa graduation party namin “PAANO YAN SINO ANG MAG PAPASTOL SA BAKA BUKAS?” “PUPUNTA NA LANG AKO SA BUKID NG MAAGA MAMA 5am  NANDUN NA AKO”.  Lahat ng paliwanag ginawa ko para mapapayag ko sila, napaiyak ako syempre kasi kahit sa araw man lang iyon di nila ako mabigyan ng holiday nang day-off. Pinayagan nila ako sumama pero magpapastol pa rin ako ng baka sa 5am kaya ok lang basta sa pagkakataong ito hindi ko ma missed kasi last hang out na ito ng barkada. Nakasama ako at ang saya-saya. Nakalimutan ko kahit papano ang aking mga problema at mga hinanakit sa buhay.

Summer na naman, talagang nag trabaho ako sa bukid at nagpakabait para makapag-aral ng college, ayoko mag stop kasi iyon na lang ang pinanghahawakan ko na pag-asa. Pag-asa na kung matapos ako sa pag aaral ay magiging maginhawa na ang buhay ko at wala ng mang aalipusta at manlalait sa akin. Lahat ng iutos sa akin kahit labag man sa loob ko ay sinusunod ko kahit maiiyak iyak na ako sa kasusunod sa mg autos ok lang gagawin ko ang lahat. Kinausap ako ni mama “JERI WAG KA NA MUNA MAG-ARAL IPAGRADUATE MUNA NATIN ATE MO, ISANG TAON LANG NAMAN”  in fairness pinaalam ni mama sa akin pero ayoko hindi na ako pumayag sa pagkakataong iyon. “SINO BA ANG MAY GUSTO NA MAG PAARAL NG ISANG TAONG TAMAD, KUNG AKO LANG ANG MASUSUNOD HINDI NA IYAN PAG-AARALIN”  nadinig ko na sabi ni papa, parang wala na talagang pag-asa hindi ko na alam ang gagawin ko.


Sa mga nakabasa nito, pasensya hindi masyado maganda ang mga conversation, hindi kasi ako masyado mka concentrate kasi storya ko ito, habang nag ta type sa key board ay umiiyak ako, sana subaybayan pa ninyo ang karugtong ng kwentong ito. Sa mga nakabasa ng una kung tampok na ‘’SALAMAT SA FACEBOOK’’ salamat po  a inyo at sa mga  magaganda pong mga comments at sa hindi pa nakakabasa, ito poh ang aking blogspot  http://jerijonesstories.blogspot.com/

1 comment:

  1. mao ni imung buhay jer?? char!! karon pa ku kabalo..eheheh nice.. bitin..:))

    ReplyDelete